Bakit eight to five plus?

Kung opis boy ka, alam mo kung ano yan.
Kung hindi, ganto kweto nyan, halika, usap tayo. Libre mo narin ako ng lunch.


Ayoko namang abusuhin ang privileges ko sa opis. Pero it hurts to know na nagyayari to. (hikbi)


Lagi akong late!!!!! For God's sake!
Nahihiya na ko sa mga staff ko na pag dating ko sa opis eh amoy laway parin ako samantalang sila amoy pabango!

Madalas sa mga gantong senaryo, sa opis narin ako naliligo at nagtu-tootbrush. Minsan hindi ko na nagagawa yun kasi me kleyete na agad ako. Ewww. Naawa ako sa makakausap ko!

Dalawang solusyon ang aking naiisip para magamot ko ang tardiness ko.

1. Flexi - time. Papasuk ako ng 9:00 am at lalabas ng 6:00pm.
2. Overtime - Magtatrabaho ako magdamag at mag tatime-in ng 12:01am. Ewan ko lang kung malilate pako nun.

Pero madalas ako sa option number 2. At madalas din nila akong maabutan kinaumagahan na nakatiwangwang parin ang katawang lupa ko sa sala sa opis habang nakapasok ang kaliwang kamay(oo, kaliwete ako) sa brief bulsa.

Sabado ngayon. Andito parin ako hindi pa naliligo at hindi pa nakaka uwi. Pinaparusahan ko ang sarili ko.

P.S. Bilang numinado sa nagmamagaling na kawani ng gobyerno, hindi ako nag ki claim ng overtime pay huh!

1 komento:

glentot said...

Haha konting adjust lang sa sched para hindi ka malate!!! Kung ayaw talaga, eh di fayn mukhang masaya ka naman ngayon hahaha

Bagong blog!!! aabangan..

Post a Comment