My late Mother's Day message

Mahal kong Nanay,

Kumusta naman jan? 'di ka man lang nakapag text nung nakaraang bagyo. Anyway, alam kong galit na galit ka habang binabasa mo ang mensahe kong ito.
Tyak hiyang - hiya ka sa mga kasama mo jan kasi ikaw lang ata ang hindi naka receive ng Happy Mother's day greetings.

Pero bago mo ko gantihan sa pamamagitan ng pagtago ng susi sa opis, magpapaliwanag po ako.

Sinadya ko pong hindi kita i-greet nung mothers day kasi sinusubukan ko kung magpapakita ka nga sakin dahil dun. Pero wala talaga, ininjan mo nanaman ako, sa halip, imahe ni pacman ang gumulo ng utak ko nung linggo at yung perang napalanunan nya.
Concern kasi ako sa kanya kasi baka magkamali sya sa pagbilang.

Anyway (again), ito ang hinanap kong cover ng kanta ni Billy Joel sa Youtube.
Alam kong paborito mo rin 'to maliban dun sa 'sang kantang ng Aegis.
Balak ko nga sana ako mismo ang kakanta kaso naisip ko baka dahil dun mademote ka sa pagiging angel.

Ipagmayabang mo po 'to sa kanila, sabihin mo po ako mismo ang kumanta nito ha..

Happy - happy mothers day po!


Nagmamahal,
Ang pinakapaborito mong anak na utusang magluto ng kung anu-ano.

P.S. 'pag umulan mamya, ibig sabihin, nagpa party ka sa heaven.

P.S. Pa. Wag ka pong magagalit ha. Kasi 'yung mga luma mong damit ginawa ko pong basahan nung nakaraang bagyo. Paki click nalang po ang link sa baba para mapanood mo ang video. tnx.

http://www.youtube.com/watch?v=STpcUd9QWy4&feature=related

0 komento:

Post a Comment