Dear Manny Pacquiao

Dear  Manny,

Pasensya po kong pinapatay ko ang tv kapag nagsasalita ka sa interviews mo ha.
Hindi ko kasi talaga maiwasan at maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pasensya ulit.
Dinudugo talaga ako, at parang natatakot ako na kinikilabutan na ewan.

Anyway congrats sa isa nanamang momentous event sa buhay mo at nating mga Pilipino, nawa'y tuparin mo ang salita mong lumalaban ka para matigil na ang kahirapan sa Pilipinas. Ibig sabihin narito lang kami, nagaantay sa tig-iisang milyong ipagkakaloob mo.
Bale para hindi ka mahirapan, kwenenta ko na ang perang nakuha mo sa laban mo kay Mosley.
Lagpas isang bilyon po lahat lahat yun.
Kung bibigyan mo kami ng tig-iisang milyon, me sukli kapa para maibili mo ng Hermes bag si Mommy D, at i-subsidize ang presyo ng gasolina para bumalik ito sa 30 pesos per liter.

Pakibayaran narin po ang GMA7 para alisin nila ang sandamakmak na patalastas kapag pinapanood ka namin sa tv.
Bilhin mo narin po ang Kape Puro para makita namin ang totoong kulay ng boxer shorts mo at alam naman po naming hindi ka naman talaga nagkakape.
Isama mo narin po yung Motolite, nag muka ka kasing Muay-Thai player dahil sa nakalagay sya sa ulo mo.

Higit sa lahat, pagupit ka napo.
Baka kasi akalain nila napag iwanan na ang Pilipinas sa larangan ng fashion. Marami pa po sana akong sasabihin, ititxt ko nalang mo maya-maya. Amen.

Nag mamahal,
Tagahangang kamuka ni aga mulak.

P.S. Paki remind po si Kots Rots, na linawin nya naman ng kunte sinasabi nya, tunog tagalog po kasi eh. Tenk u po.

1 komento:

glentot said...

Napanood ko yung debate nila ni Lagman sa RH Bill, binabasa nya lang yung itinatanong nya at halatang hindi sya ang nagsulat nun kasi pagbabasa na lang mali mali pa...

Post a Comment